Alumni

"Isang Libong Paninindigan", 2016

Written by Rene Estremera. Posted in Alumni

Speech of a 2016 Distinguished Alumni Awardee, Mr. Errol Merquita

WP 20160220 19 11 40 ProCROPT     Tumutulay ang Pilipinas mula sa pagiging umuunlad tungo sa isang papaunlad na bansa. Nahaharap tayo sa mga banta ng pandaigdigang giyera at malawakang pagbabago ng klima. Ilang buwan mula ngayon pipili tayo ng bagong mamumumuno sa atin. Nahaharap tayo sa maraming agam-agam at double standards.
     Ngunit ang mahalagang tanong Iskolar ng Bayan, sa panahong kagaya nito, ano ang pinaglalaban mo?
     Hindi po sapat ang “likes”o “dislikes. Kailangan nating pumili, manindigan at maging bahagi sa isang solusyon, dahil kung hindi, para ano pa at taga UP tayo?
     Sa aking paglilibot sa Pilipinas dala ng aking trabaho, nakita kong napakaraming bata ang salat hindi lang sa pagkain kundi sa tamang edukasyon, Napakaraming mamamayan ang nasa panganib at kaguluhan. Talamak ang korapsyon at pagnanakaw. Sa mahigit labing-tatlong taon ko sa propesyon ito, maraming pamayanan ang naabutan na ng tulong. Ngunit hindi ito sapat, Hindi ako sapat, hindi sapat ang isang tao, o isang organisasyon para sa isang malawakang pagbabago.
     Kailangan ng maraming kamay, utak at puso. Sabi nila kailangan ng Bayaning Pilipino, kailangang baguhin ang sistema, kailangan ng lideratong may paninindigan. Simple lamang ang paningin ko Iskolar ng Bayan. Simulan natin lahat sa ating sariling paninindigan.
     Ang pagtulong sa kapwa, ay hindi kabayanihan ito ay tungkuling dapat gampanan. Ang pagbabago sa sistema ay mananatiling panaginip kung hindi mo sisimulang baguhin ang sarili. Ang pamamahala sa bansang ito ay hindi lamang nakaatang sa mga namumuno, nakaatang rin ito sa ating mga mamamayan.
     Patuloy ang mga suliranin dahil marami sa atin ay walang ginagawa. Sabi nga “evil prevails when good men do nothing,” “ if you are not part of the solution then you must be part of the problem”. Nasaang panig po tayo ngayon?
     Ngayong gabi, nagtitipon tayong lahat upang ipagdiwang ang ikadalawamput isang taon ng UP Mindanao. Marami napo ang nagbago mula noong 1995. Sa tingin ko, hindi naman ako ang distinguished ngayong gabi. Kundi ang mga gurong nagsindi ng alab at nagmumulat sa mga kabataan, hindi ako kundi ang mga kawani ng UP Mindanao na sa gitna ng maraming agam-agam at oportunidad abroad ay piniling manatili, hindi ako kundi ang lahat ng Iskolar ng Bayan na kipkip ang alab at pag-asa, sa inyo po ang parangal.
     Kasama ng aking mga kabigan at ng aking pamilya na naniniwala sa kakayahan kong tumulong at maging bahagi ng solusyon, hinihimok ko kayong lahat Isang Libong Alumni, guro, mag-aaral, kawani, Iskolar ng Bayan, na gamitin ng tama ang inyong husay at galing at sabay-sabay nating paunlarin ang sarili, ang kapwa, at ang bayang ito.

Magandang Gabi.

-Errol Merquita, BASS Class 2002/UP Mindanao.
Pebrero 20, 2016

UP Alumni Association Davao, 2016

Written by Rene Estremera. Posted in Alumni

Untitled-1 copy

UP Alumni Association Davao
Directors/ Officers 2016-2017

Atty. Marie Glenn Cedeño Sorila
Chairperson
 
Dr. Roberto "Bo" Puentespina
President

Atty. Charmaine Valentin
Vice-president

Ms. Cathy Domingo
Secretary

Atty. Myra Principe
Treasurer

Prof. Aurelia Luzviminda V. Gomez
Auditor

Mr. Xer Jason "Yas" D. Ocampo
PRO

Directors/Ways and Means committee:

Mr. Michael Gatela
Mr. Roel Castro
Mr. Sebastian "Anggie" Angliongto
Mr. John Gaisano
Mr. Amador Siapno
Mr. John Tria
Mr. Sherwin Alexander Ramos
Mr. Jommel Labay


Ex-oficio director:
Chancellor, UP Mindanao

 

UP Mindanao Foundation Inc., 2016

Written by Rene Estremera. Posted in Alumni

UPMFI logo

UP Mindanao Foundation, Inc.
Board of Trustees and Officers
C.Y. 2016-2017


Sebastian "Anggie" L. Angliongto
Chairman of the Board

John Y. Gaisano, Jr.
Vice Chairman

Francisco "Bobby" B. Ramos, Jr.
President
    
Luciano "Sonny" L. Puyod, II
Vice President

Charmaine P. Valentin
Corporate Secretary

Romero "Romy" C. Blancaver
Treasurer

Salvacion "Sally" U. Leuenberger
Internal Auditor

Anthony Alexander N. Valoria
Trustee

Jose "Jojo" R. Manulid, III
Trustee


Trustees, ex-oficio:

President, UP Alumni Association Davao

Chancellor, UP Mindanao

 

 

UPMin Alumni Assoc. gets donation from Freshmen '98

Written by Rene Estremera. Posted in Alumni

12509680 885758648203453 8345371632558742479 nUP Mindanao Freshman Batch 1998 donated P32,593.95 to the UP Mindanao Alumni Association on January 5, 2016, for the development of the Association. Alumnus Jay Neil Ancheta is shown handing over the cheque to UPMinAA president Kriza Calumba. Witnessing the ceremony are Wardy Puyod, Ma. Catherine Otero, Diocy Guilabtan, Ryan Songcayauon, and Martino Aldepolla.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker