Kung Bakit Ang Mga Kategoryang Subject at Object ay Hindi Angkop Sa Mga Wikang Pilipino

Ricardo Ma. D. Nolasco

 

Abstract

 

Ipinakikita sa papel na ito na ang mga kategoryang subject at object ay nababagay para sa mga wikang akusatibo gaya ng Ingles, ngunit hindi aplikable para sa mga wikang ergatibo, gaya ng mga wikang Pilipino (WP). Sa halip na starting point na relasyon at ang nosyon ng subject, higit na pinahahalagahan sa mga WP ang pinakaapektadong entidad na nakakodigo sa mga absolutibong argumento (i.e., mga nominal na minamarkahan ng absolutibong pananda na ang sa Tagalog at Sebwano, ti sa Ilokano, ides sa Menuvuq, teq sa Tagabawa, yang sa Mandaya, atbp.). Ikinakatwiran dito na ang batayan ng pagpili ay ang pagkatransitibo ng klosa, na binubuo ng hindi kukulangin sa sampung katangiang ang karamiha’y pansemantika; na naisasakatuparan sa pamamagitan ng morpolohiya ng pandiwa; at nakasalalay kung ang pinanggalingan ng aksyon ay magkapareho o distintibo (magkaiba) sa pinakaapektadong entidad. Sa kongklusyon, iminumungkahi dito, na sa halip na subject at object, ang higit na angkop na gramatikal na relasyon para sa mga WP ay ang ergatibo at absolutibo.
.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker