News

BSFT grads pass first Food Tech Licensure Exams

Written by Rene Estremera. Posted in News

 

2023 081623 BSFT PRC PASSERS

 

The UPMin Department of Food Science and Chemistry (DFSC) reported that five BS Food Technology graduates passed the first-ever Food Technology Licensure Examination, with a Top Ten passer, and UP Mindanao emerging among the Top 3 performing schools.

Ms. Abbie Glenn M. Estribillo, BSFT 2015, was an 8th-Placer in the Exam. She was followed by fellow BSFT alumni and successful examinees Mr. Bryle Matthew F. Bacatan, Ms. Ara Nikka Faith E. Bangcaya, Mr. Jherson B. Gutierrez, and Ms. Angela Timothy P. Serrano.

The Professional Regulation Commission (PRC) reported 453 passers out of 1,133 examinees, or a 39.98% national passing rate.

The PRC recognized UP Mindanao among the Top 3 performing schools for having 5 passers and an 83.33% overall passing percentage.

The exams were conducted on August 10-11, 2023, at testing centers in NCR, Baguio, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, and Zamboanga.

The newly-licensed Food Technologists brought pride to the DFSC and the UP Mindanao community, and their achievement addresses the Sustainable Development Goals on Hunger, Good Health and Well-Being, and on Responsible Consumption and Production. 

 

Speech of Meluzvia Marie Amora, summa cum laude, BS Food Technology, UP Mindanao

Written by Rene Estremera. Posted in News

 DSF3223
 
 Sa mga administrador at opisyales ng UP Mindanao, mga propesor at tagapagturo sa unibersidad, mga manggagawa na narito ngayon, sa ating mga alumni, mga bisita, mga magulang, at kapwa ko magsisipagtapos, isang mapagpalayang umaga sa inyong lahat. 
 
Tunay po na isang malaking karangalan na mabigyan ng pagkakataong makapagsalita sa harap ng aking mga kapwa iskolar na marilag at nakasuot na ng sablay sa araw na ito. Ang aking taos-pusong pagbati ay nais kong iparating sa lahat ng aking mga kapwa nagtapos at sa kanilang mga magulang sa pag-abot sa isang mahalagang milestone sa ating paglalakbay. Ang araw na ito ay tunay na atin. Sa araw na ito, ating igugunita at ipadiriwang ang ating pagpupursige, ang bawat pawis, at maging ang mga luhang napunta sa hirap, mapa-thesis man ito, projects, papers, lab report, plates, o ‘di mabilang na mga mahahabang pagsusulit sa ating blue books o sa online man, na nagdulot sa atin ng tagumpay. 

 
May nagsabi sa akin na ang aking mensahe sa pagkakataong ito bilang kinatawan ng mga nagtapos ng 2023 ay dapat maging inspirasyon, at magbigay ng payo na maaaring babaunin natin sa ating susunod na kabanata. Gayunpaman, nakatayo ako sa harap ninyo, suot ang parehong bago o preskong sablay na sinusuot ninyo. Kaya sa halip na subukang magbigay karunungan, maaari ko lamang pasalamatan at pagnilayan ang ating oras na ginugol dito, o mas angkop ata na sabihing mas ginugol sa harap kompyuter bilang tayo nga ang tinaguriang Zoomers ng panahong ito. Maliban sa pasasalamat at pagninilay ay ibahagi sa inyo ang aking mga pag-asa para sa ating kinabukasan bilang iskolar ng unibersidad ng Pilipinas, ang UP naming mahal, na hindi ko alam kung mahal ako o may pagkapoot sa akin. Kasi ika nga, sa UP mahirap makapasok ngunit mas mahirap makalabas. Inabot nga ako pati na ang iilan kong mga kaibigan ng lima o higit pang taon para lang maging karapat dapat sumablay. 
 
Sa limang taon na ito ay mapalad ako na binigyan ako ng maliit ngunit bibong pamilya ng Department of Food Science and Chemistry o DFSC. The professors and staff at DFSC gave me the quality of education that I aspired for. Especially to Dr. Erwin Fundador, Dr. Noreen Fundador and Mr. Khent Duerme for guiding me in my thesis journey and Dr. Novie Alviola for helping me in my program. Hindi ako nagsisisi na sa BS Food Technology ako lumipat. Hindi ko man natupad para sa aking sarili ang pagiging athletic ay sa BS Food Technology ko lang pala magagampanan ang pagiging EAT-letic. Sa kaliwa’t kanan ba naman na mga sensory evaluations ay mahahasa ka talaga sa pagkain. Nang dahil sa BSFT program mas nabigyan ko ng kahalagahan ang bawat butil ng bigas na inaani ng ating mga magsasaka. Nang dahil sa BSFT program ay mas namulat ako sa kabuluhan ng siyensya para mabigyan ng food security at food safety ang bawat isa.
 
Sa limang taon ay pinagpala ako na naging kaklase ko ang iilan sa inyo lalong lalo na sa aking mga kaibigan. In the hassles of everyday life, mapa-akademik man o hindi, you were able to remind me to not forget to live my life. You have served as my reminder that this life is so precious, and we have to live it beautifully. Kaya’t maraming salamat, PAFT-Lambda, UP Mindanao League of DOST Scholars, sa aking “Mga Kababaihan” fam, kay Micah, at sa laging kumukupkop sa akin tuwing kainan ang aking “5-star Michelin” buddies. Thank you for making my college life bearable even during the pandemic.
 
Salamat, UP, sa pagpunla sa kinaiya ni Oble nga kami adunay kasingkasing sa pagpahinungod. At hindi magiging buo ang aking diwa bilang mag-aaral ng UP kung hindi dahil sa mga mismong boses na handang magmungkahi’t makibaka. Salamat sa inyong boses upang mas maintindihan namin na hindi kasalanan ang pagiging kritikal kung may nakikitang mali.
 
Lastly, nobody has been more important to me in the pursuit of this endeavor than the two most important women in my life. Kaya sumasang-ayon talaga ako sa linyahan ni Beyonce na, “Who run the world? Girls.” To Auntie Lydia, thank you for endlessly supporting me from the start. Your tireless motivation boosted my morale and spirit in reaching this milestone. To my late Mama, thank you for blessing me with your good genes to survive my college years with great skills and character. Thank you for those reminders and for instilling that I am not just enough, I am more than enough. Just like you, you are more than enough.
 
Sa simula pa lamang ng paglalakbay natin sa kolehiyo, nang tumapak tayo sa mala-cottagecore na UP Mindanao, ang iilan sa atin ay may napakalinaw na na larawan ng kanilang destinasyon at ang iba nama’y hindi. Ngunit isang bagay ang napakalinaw, marami sanang iba't ibang oportunidad sa UP. Bagaman, ang iilang oportunidad na iyon ay pinagkait sa atin ng pandemya. Kahit sa aminin man natin o sa hindi, marami sa atin ang napag-iwanan at nahirapan. Iyong dulot ng pandemya ay dala-dala pa rin natin ngayon. Iyong kawalan ng katiyakan sa sosyo, politikal, at economical na kalagayan ng bansa sa kasalukuyan ay minsan nakapagdudulot ng kawalan ng kaganyakan kung may saysay pa ba ang ginagawa at gagawin nating paghahandog ng ating utak at puso para sa sambayanan. Kaya’t minsan masasabi kong ang hirap mo talagang mahalin Pilipinas. Kaya lagi’t lagi binabalikan ko ang aking mga bakit. Bakit mahalagang matutunan ang ating ginagawa sa bawat kurso ng iba’t ibang disiplina? Bakit makabuluhan ito sa malawakang pagbubuo ng diwa, hindi lamang bilang mamamayang Pilipino, ngunit pati na rin bilang nananahanan sa daigdig na ito? Nawa’y sa ating pagtatapos at pagsalubong sa ating bagong kabanata ay may mga sari-sariling “bakit” na tayo.
 
Dahil nga mga iskolar tayo, kadalasa’y hindi natin maiwasang malalagay tayo sa pedestal. Hindi ka man pine-pressure ng mga magulang mo pero ang taas taas ng expectations ng ibang tao sa’yo. Tao ka lang rin naman. Hindi araw-araw kaya mong ibigay ang iyong 100%. Remember, the sun doesn't shine the same every day. That goes for all of us too. It's okay to be low on energy sometimes. My late Mama once told me that when you’re feeling down or misplaced, that just means you might just need a new perspective. Maybe do a cartwheel tulad ng umusong meme na “Bakit malungkot ang beshie ko?” while doing cartwheels. 
 
Bilang pagtatapos, nawa’y dala dala natin na ang ating mundo ay mas malaki at mas kumplikado kaysa sa mga larangan kung saan pinili mong magtapos. Tayong lahat ay may pananagutan. Hindi lang ikaw, kundi pati mga magulang at mga guro natin. Maaaring kakailanganin ang iyong katalinuhan, pagkamalikhain, puso’t imahinasyon upang linangin ang mundong ating ginagalawan. 
 
Iyon lamang po at maraming salamat.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker