Message of 1st Summa cum laude, 2019
Sa mga administrador, propesor, mga magulang, bisita, manggagawa at kapwa ko iskolar na magsisipagtapos, isang maganda at mapagpalayang umaga.
Nagsimula ang ating paglalakbay sa isang mahirap na eksam. Anim na oras na hawak ang Mongol 2 na lapis habang maingat na iniitiman ang bilog na nakaguhit sa papel, hindi alintana ang pamamanhid ng mga daliri. Ang tanging naririnig ay ang mahinang tik tok ng orasan at ang malalim na buntong hininga ng katabi. Yun na yata ang pinakamahabang anim na oras sa tanang buhay ko. Pero simula lang pala yon sa marami pang mahahabang oras na iluluklok upang masuot ang Sablay. Upang makasama kayo sa araw na ito.
Naranasan nating maghintay nang kaytagal para makamit ang matamis na “oo” – Oo, tanggap na yong mga nagpaprerog sa comm3 class; oo, nandito na yung agar medium na inorder mo kaya finally pwede ka nang magthesis, at; oo, nacheck na ng colsec ang manus mo kaya bilis at magrevise ka na – Oo, ga-graduate ka.
Eh pano yung mga panahong gusto mo nang umayaw pero pinili mong magtiis kasi mahal mo? Hindi ka umidlip sa klase kahit bente kwatro oras ka nang dilat dahil pursigido kang matuto. Hindi ka umatras sa pagdissect ng palaka kahit takot ka rito. Hindi ka napigilan ng brown out na tapusin ang iyong plates, papers at projects na deadline na pagkabukas. Hindi - hindi mo hinayaang diktahan ka ng yong kalagayan, bagkus nagawa mong lampasan ang hamon na ipinukol sayo. Kaya ka narito. Kaya sa wakas ay nagbunga na ang iyong paghihintay at pagtitiiis. Kaya ka sasablay.
Ako’y hindi isang henyo, at lalong hindi ako halimaw. Isa lamang akong ordinaryong babae na napagkakamalang lalaki dahil sa first name ko. Pero kung tatanungin ako kung paano ko ito naabot, ang masasabi ko lamang ay lubos akong pinagpala. Pinagpala akong lumaki sa isang tahanang kinamulatan ang lakas at diskarte ng babae, ng isang nagsasariling ina – ang huwaran ng tibay na aking dadalhin bilang kapwa babae. Women, you hold powers you know nothing of. Ang unang paaralan ay ang tahanan, at para sa lahat ng magulang at tumayong magulang, karapat-dapat kayong palakpakan.
Pinagpala rin akong mapadpad dito bilang undergrad na foodtech. Sa rami ba naman ng pwedeng pagpilian, sa’yo ako nahulog DFSC. Alam kong hindi ako nagkamali sa kursong pinili dahil matagal ko itong pinagnilayan at dinasalan. At siyanga, sino ba naman ang di maiinlab sa dami ng lab experiments at lab papers na pinagpuyatan. Dito ko rin natutunang pahalagahan ang mga bagay na kadalasan nating isanasawalang-bahala, mga bagay na pang-araw araw na kaya saka mo na napapansin kapag wala na…. gaya ng pagkain, na dumaraan sa maraming kompleks na proseso bago ihain at matunaw sa tiyan. Food can mean life or death. Ganun ka importante ang food technology.
Pinagpala rin akong magkaroon ng stage mothers and fathers sa katauhan na ating mga propesor at mga mahal na RA. Nagpapasalamat ako at biniyayaan sila ng mahabang habang pasensiya at dunong sa pagtuturo sa aming murang isipan. Wala tayo rito kung wala an gating mga guro, na walang sawang gumabay at sumubaybay sa ating paglinang. Hindi tayo tinuruan ng UP upang umakyat sa tuktok ng corporate ladder; tinuruan tayo nitong tanawin at magmalasakit sa mga nasa ibaba. Sapagkat ang tagumpay ay hindi nasusukat sa taba ng pitaka. Ito’y nararamdaman sa katabaan ng pusong handing tumulong sa kapwa. Ito ang dangal at husay. Ito ang tunay na tagumpay.
Pinagpala ako sa mga pagkakaibigang nabuo ko sa unibersidad. Sabi nila, in UP, you either sink or you swim. And for a time, naniwala ako rito. I believed I only had two choices. Until… a boat came by and I figured I could ride that instead. So I did, and it made the passing easier. In time, the scars we acquired become markers of how we crossed the unquiet waters. At napagtanto kong mas madali pala kung may kasama ka, kasabayan mo sa pagsagwan hanggang makarating sa paroroonan. Thank you sa bangka FUSE UP fam, lalo na sa PSALM UPMin sa pagkupkop at pagbusog sa akin tuwing Thursday night, both physically and spiritually. Koro, thank you for the space to breathe and sing. To Lunatics and Mangifera, the misfits who showed that the best ideas sometimes spring from the most unlikely places. And to all of you who shared their stories, you’ve inspired me to keep going. To the one’s we’ll be leaving behind, we’ll never be so far away. You’ll get there. Your time will come and we will rejoice together.
Pinagpala ako sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa akin. I grew up a sickly kid. Living with asthma was no joke. After the 8 yr old me had a severe attack that left me bedridden for weeks, I had learned to love life. Breathing became a luxury and everyday was a gift I did not want to waste. Every day has something to teach you, if you’re willing to learn. And there’s something miraculous in each day if you’re willing to see.
Lastly, pinagpala akong makilala at maranasan ang pagibig ng Panginoon na hindi kumikilala ng katayuan, yaman, kasarian, kulay, lahi, pinanggalingan, o nakaraan. Sapagka't ako'y naniniwalang kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kailaliman, o alinmang nilalang, kahit ang sarili mo, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. I am here because of Christ’s boundless love that continued to hold on to me, even when I wanted to let go. He loved me in my darkest and vilest hour, and it is by His mercy and grace that I am still standing today. He offers this love and salvation freely to everyone who believes. I may not be the most deserving of such academic honor, sa lahat ba naman ng UPMin graduates, but He loved me and that was more than enough.
Bilang ganti, ako ay patuloy na maglilingkod, dahil ang paglilingkod sa Kanya ay paglilingkod din sa bayan, at anumang inialay para sa mga mamamayan, ayon sa Kanyang kalooban, ay inialay rin sa Maykapal. Kaisa tayo sa mithiing bayan, magkakaiba man ang pamamaraan. Some of us require a longer time to take all the issues in. That’s okay. UP thought us to be critical, to weigh all sides. Some of us here may be silent, but we are not blind. As much as we appreciate words, the people need action.
There’s an Oble in each of us, willing to offer oneself for a life of service. Let that self burn. Let our lives be a living sacrifice, burning with passion so much as to lose the selfish self. And may the smoke reach up as a sweet aroma towards Heaven, a fire that cannot be quenched.
Ikaw, paano ka nagstay? Anong kwento mo? Sa bawat Sablay ay may nakaburdang sanaysay. Pinaghabi rito ang mga hibla ng pangarap at pighati, pagkabigo at pagtatagumpay, hanggang sa mabuo ang Sablay na walang dulo, nagpapaalala sa walang katapusan na proseso ng pagkatuto. Lumisan man tayo mula rito, sana’y dala dala pa rin natin ang mga aral na napulot sa loob at labas ng classroom. Cliché man pakinggan, pero hindi dito nagtatapos ang lahat. Ang araw na ito ay isang pagbubukas ng bagong kabanata. Patuloy ang pagsusumikap tungo sa kaunlaran at kapayapaan hanggang sa dumating ang araw na di na kailangan pang sumigaw, ang panahon na magkarinigan naman, at magkaintindihan. Dahil kung iisa lang ang hangarin, iisa lang ang nais na patutunguhan, bibigyang pagkakataon ang pagkakaunawaan, ang kapayapaan. Balang araw? Maaring ang kasalukuyan ang balang araw na hinihintay. Ngayon ang simula ng pagbabago. Hindi sa susunod, hindi bukas, hindi mamaya. Ngayon. Sabihin mo sa katabi mo,”Ikaw ang simula ng pagbabago”. “Simulan mo ngayon”.
Today, June 21, Friday, marks the summer solstice of 2019 and a turning point in our lives as graduates, as well as for UPMin. Today is the season of firsts, a season for change.
Finally, UPMin, let no one despise our youth for though we be little among others, we are more than conquerors through Him that loved us. There will be more Summas to come. I may be first, but I am not the last.
I am Pete Maverick Nicole Estudillo and I am only the first of the many.
I am more than what I’ve achieved
I am God’s beloved princess
Created according to His purpose
Commissioned to do His business
Consecrated for His glory.
From Him, through Him, and to Him are all things
Soli Deo Gloria!